I have a knack for torturing myself, just a pinch close to saying I'm a masochist. I always wanted to raise the bar on my capabilities to raise the standards, not in comparison with someone else, but in contrast to the routine. I will do things beyond my strengths and capacities not for the point of straining my physique but to flex my spirit.
Minsan nakakapagod din, kasi puro effort, tapos mawawalan pa ng inspiration, or lets say, reason para bumangon. Parang yung commercial ng kape. May dahilan para bumangon, para magtrabaho, para mabuhay. May saysay, may patutunguhan. Eh wala na nga, the reasons all but whispers in thin air. Bwiset na nakaraan kasi yan, tinrauma ako masyado.
Anu nga ba itong pinagdadadrama ko? Maalala ko lang, makailang weekends na ang pinasok ko sa trabaho. Puro overtime. Nagkataon pa ang may mga aktibidad ako sa weekends na hindi pwedeng ikansela. Lalo na ang pagdiriwang ng banal na Eukaristiya. Mamiss ko n lahat huwag lang ang misa. Para kay Lord yan eh. Kailangan din natin ng gabay at pagpapala.
O edi ganun na nga. Pasok pasok din kahit hindi dapat pumasok. Minsan wlang tulog pero sige pa rin. Basta kumita ng doble. Basta malaki ang sweldo. Kahit magkandamatay na sa puyat at pagod, ayos lang. Basta't may mapatunayan sa sarili. Sakripisyo pa rin. Kung hindi cobra, extra joss o kape na ang dumdaloy sa ugat ko, at kung makailang beses nang kinakabog ang dibdib ko dahil sa kakasakripiso o kakagawa ng paraan. Pero ayos lang...
Buhay pa naman eh.

No comments:
Post a Comment